ikaw at ako
Martes, Abril 21, 2015
WHAT IS LOVE?
WHAT IS LOVE?
natanong mo na ba ang sarili mo?
nahanap mo na ang sagot sa tanong mo na yan?
o hinahanap mo parin?
sigurado ka bang gusto mong malaman ang sagot sa tanong mo na yan.
sigurado ka bang kaya mong tanggapin ang kung ano man ang sagot na makukuha mo.
paano kung ang nakuha mong sagot,malayo sa inaasahan mo
paano kung akala mo mapapasaya ka ng love na yan
akala mo madali lang ang ma in-love
akala mo mangyayari sayo yung mga nababaasa mo sa fairytales
tapos nalaman mong,mali pala lahat ng akala mo
paano kung yung maganda mong panaginip,bangungot pala
paano kung ang taong minahal mo eh yung taong hindi marunong magmahal?
isang taong ang tingin sa pag ibig ay isa lamang mapait na karanasan
isang taong hindi makaalis sa kanyang nakaraan.
isang taong kinalimutan ng may puso sya
isang taong wala ng ginawa kung hindi saktan ka
mamahalin mo parin ba sya hanggang huli?
paano kung yung pinapangarap mong "HAPPILY EVER AFTER."
Eh "ONCE UPON A TIME" lang pala?
paano kung yung pinapangarap mong langit sa piling nya,
imperno pala?
hindi mo parin ba pagsisisihang hinanap mo ang love na yan?
o sasabihin mong sana hindi mo na lang ito hinanap.
gugustuhin mo parin bang malaman
kung ano ang love na yan?
o sasabihin mong sana hindi mo na lang nalaman kung ano yun?
what is love?
uulitin ko sigurado ka ba talagang gusto mong malaman ang sagot sa tanong na yan?
kung oo?
hindi kita mabibigyan ng eksaktong sagot pero ito lang ang maipapayo ko sayo
what is love?
IF YOU'RE NOT READY TO DIE EVERDAY,DONT FALL INLOVE.
Biyernes, Abril 17, 2015
IKAW PA RIN
nasa tuwina'y siyang naging gabay
pagmamahal na walang katulad
ito'y patunay na pag ibig mo'y wagas
mga pangarap ko kay hirap abutin'
ngunit kung akoy nasa palasyo at langit
ditoy wala ng mahihiling pa
buhay ko sa yo na umiikot
mga problema koy parang nawawala kapag ikay kapiling
mga oras at panahon ay lumipas ay di ko man lang nalalaman
pagkat puso at isip sayo na nilaan
kaya't aking inasam at pinangarap nasa habangbuhay
ngunit ang inasam na pag ibig ay nauwi sa lahat ng wala
ako'y parang ibon na lumagapak sa himpapawid
dahil sa taas ng pangarap kong pag ibig mo'y mapasa akin
ako ngayo'y umiiyak at tumatangis
di madaling kalimutan aking karanasan
akoy umibig ng tapat at walang katulad
pagkat ang akala ko'y siya na
ngunit tila isa lamang siyang bangungot na sa buhay ko nagpagulo
araw na iyon ay isinumpa ko
akoy di iibig pang muli dahil sa mga mukha ng taong mapagkunwari
tila ngunit ko sa lahat ay nabali
at pait ang ang gustong umiibig sa akin
ay di sumubok at nasawi
ngunit inaamin ko sa puso ko'y sya pa rin ang nag iisa.
"TIME MACHINE"
naalala ko pa yung dating saya na aking naramdaman
pero ngayon tila naglaho na t' parang gustong balikan
mga alala na binuo natin dati na tayo lang
madaming nabuo kasi nga magkasama tayo ng matagal
sa tagal ng panahon na tayo'y sa isat isa
akala ko kasi dati'y di ako uubra
pero nagkamali ako kasi naging tayo di ba?
pero nagyon,pag-iibigan natin nawasak
pagkawala mo sa buhay ko di ko lubusang matanggap
sana hinayaan ng panahon na magmahalan tayo ng tapat
kaso sobrang damot nito kaya pilit tayong binagsak
kung maibabalik ko nga lang ang oras at panahon
parang gusto kong maulit ang tamis ng kahapon
sana nga lang kaya kong ibalik ang panahon
huli ng nga ba ang lahat para sa atin dalawa
gusto kong ibalik ang oras pero di ko talaga kaya
kung may time machine lang ako matagal ko ng ginawa
kung may makakaimbento nito sana ako na
pakiusap hiling ko sanang tuparin
nagmamahal lamang ako kaya ako'y umnawain
mahal ko siya alam kong ako'y mahal nya rin
kaya sana bumalik ang oras at muli kaming pagtagpuin
bumalik sana ang oras para muli kang makatabi
sana ang oras kusa tayong balikan.
forevermore=)
Martes, Abril 14, 2015
"NGAYONG WALA KANA"
Ngayong wala kana
Pag ikot ng mundo koy tila tumigil na
Ngayong wala kana
Wala nang silbi itong nadarama
Sino ng magpapangiti sa tuwing akoy nalulungkot
Sino ng magpapawi ng dinadalang kirot
Malulunod na lang sa pagluha kahit wala nang mailuha
Mawala man ang hininga 'y wala nang mag-aaruga
Tinatanaw sa mga ulap ang iyong maamong mukaha
Tila hindi na nasisilayan ng mga masasayang ala-ala
Bumubulong sa hangin,pagsuko ang nakuha
Magwala man at mangwasak wala na kong magagawa
Mga sinayang na oras na sanay minahal kita
Ngayo'y isang bangungot na sa aki'y nagpapahina
Nauupos ng parang kandilang nababalot ng sumpa
Mga boses na nakakatakot pumipitik sa gunita
Dapat palay hindi na kita nilisat inwang mag isa
Ni wlang pasabing lalayo,pagkat ating puso hindi na magkatugma
Ang inaakalang maging masaya ay nais makuha
Ay siya palang tulay sayong pagkawala
Bakit sa akin iyon nagawa
Okay laking panghihinayang,o kay laking pagkakasala
Nasaan ka man ngayoy maging masaya ka sana
Samantalang akoy nagdurusa t' lumuluhang mag isa....
"TADHANA
Siguro'y tadhana tayo ay magkita
Dito sa mundong milyon milyon ang nakatira
Tadhana rin sigurong sayoy na patingin,
At aking napuna katangian mong angkin
Tadhana rin marahil ang mahalin ka
Sa kabila ng pader na nakaharang,sinta
Tadhana nga siguro kung ating iisipin
Kung paano natin pinuno ang bawat damdamin
Ngunit ang tadhana'y tila mailap nga
Mahilig magbiro,kumitil ,sumira
Pusong umiibig,pinilit mong wasakin
Hindi na mabubuo ,pilitin mang pagtagpiin
Tadhana nga siguro ang siyang sa aki'y nagdikta
Na pag ibig ipaglaban,huwag agad pakawalan ka
Ngunit tadhana rin ang sayo'y pilit umaangkin
Gumawa ng mga bawal na maghihiwalay sa akin
Kung tadhana ngang kita ay makilala
O sa tadha'y di ko paniniwalaan pa
Dahil kung tadhana man ang naghatid sayo sa akin
Tadhana rin siguro ang nagsabing akoy iyong lisanin.
"MAHAL PA RIN KITA"
Ilang ulit ko nang tinanong ang sarili ko
Kung tuluyan na bang nakalimot ang puso ko
Hindi na raw kita mahal pinipilit kong paniwalaan ito
Pero bakit hanggang ngayon,ikaw pa rin ang nasa isip ko?
Sa kabila ng mga kasalanang iyong ginawa
Na pilit kong inintindi at inunawa,
Sa kabila ng pagkukulang ng aking napala
Bakit sa huli ako parin ang nagmukang kawawa
Marupok ako pagdating sayo
Ikaw ang kalakasan ko at kahinaan ko
Isang sorry mo lang,bumibigay na ko
Kahit alam ko sa bandang huli hindi ka magbabago
Marahil ay mahal pa siguro kita
Hanggang ngayon,aaminin ko ikaw parin talaga
Alam kong mali dahil may iba kana
Pero maaari ko lang sabihing mahal pa rin kita
Lunes, Abril 13, 2015
"IKAW AT AKO"
ikaw na ang may sabi na walang iwanan,peo bakit tila nagbago ang ihip ng hangin.iniwan mo ko ng walang paalam basta basta ka nalang umalis hindi mo man lang inisip kung anu mararamdaman ko alam mo ba ng hihinayang ako sa pagkakaibigan natin kasi ikaw ang unang bumitaw at hindi ako.sana nung una palang sinabe muna na aalis kana hindi sana ko nahihirapan ng ganito.akala mo madali para sa akin un..hindi andun din ung part na panghihinayang.Mamimis ko ung part na masaya tayong dalawa ung pang aasar natin sa isat isa,kapag may problema ako anadyan ka para damayan mo ko,kapag nalulungkot ako nandyan ka sa tabi ko.para nga tayong magkapatid diba. kahit ilang beses na nagaaway nagbabati agad..hayy that is life...wala talaga permanente sa mudo..lahat nagbabago at lahat naglalaho.sabi nga nila kapag umalis ng walang paalam wag ng umasang babalik pa..kasi mas masakit ang umasa..ngayon kaya ko ng mag isa na wala ka sa tabi ko..kahit papano nasusubukan ko ng maging masaya ng wala ka... sana maging masaya ka kung nasan ka man..
AND THAT'S MY LIFE=)
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)






