Ngayong wala kana
Pag ikot ng mundo koy tila tumigil na
Ngayong wala kana
Wala nang silbi itong nadarama
Sino ng magpapangiti sa tuwing akoy nalulungkot
Sino ng magpapawi ng dinadalang kirot
Malulunod na lang sa pagluha kahit wala nang mailuha
Mawala man ang hininga 'y wala nang mag-aaruga
Tinatanaw sa mga ulap ang iyong maamong mukaha
Tila hindi na nasisilayan ng mga masasayang ala-ala
Bumubulong sa hangin,pagsuko ang nakuha
Magwala man at mangwasak wala na kong magagawa
Mga sinayang na oras na sanay minahal kita
Ngayo'y isang bangungot na sa aki'y nagpapahina
Nauupos ng parang kandilang nababalot ng sumpa
Mga boses na nakakatakot pumipitik sa gunita
Dapat palay hindi na kita nilisat inwang mag isa
Ni wlang pasabing lalayo,pagkat ating puso hindi na magkatugma
Ang inaakalang maging masaya ay nais makuha
Ay siya palang tulay sayong pagkawala
Bakit sa akin iyon nagawa
Okay laking panghihinayang,o kay laking pagkakasala
Nasaan ka man ngayoy maging masaya ka sana
Samantalang akoy nagdurusa t' lumuluhang mag isa....

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento