Biyernes, Abril 17, 2015

IKAW PA RIN






pag ibig  na sa akin ay iyong  alay
nasa tuwina'y siyang naging gabay
pagmamahal na walang katulad
ito'y patunay na pag ibig  mo'y wagas
mga pangarap  ko kay hirap abutin'
ngunit kung akoy nasa palasyo at langit
ditoy wala ng mahihiling pa
buhay ko sa yo na umiikot
mga problema koy parang  nawawala kapag ikay kapiling
mga oras at panahon ay lumipas ay di ko man lang nalalaman
pagkat puso at isip sayo na nilaan
kaya't  aking inasam at pinangarap nasa habangbuhay
ngunit ang inasam na pag ibig  ay nauwi sa lahat ng wala
ako'y parang ibon na lumagapak sa himpapawid
dahil sa taas ng pangarap kong pag ibig mo'y mapasa akin
ako ngayo'y umiiyak at tumatangis
di madaling kalimutan aking karanasan
akoy umibig ng tapat at walang katulad
pagkat ang akala ko'y siya na
ngunit tila isa lamang  siyang bangungot na sa buhay ko nagpagulo
araw na iyon ay isinumpa ko
akoy di iibig pang muli dahil sa mga mukha ng taong mapagkunwari
tila ngunit  ko sa lahat ay nabali
at pait ang ang gustong umiibig  sa akin
 ay di sumubok  at nasawi 
ngunit inaamin ko sa puso ko'y sya pa rin ang  nag iisa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento