Siguro'y tadhana tayo ay magkita
Dito sa mundong milyon milyon ang nakatira
Tadhana rin sigurong sayoy na patingin,
At aking napuna katangian mong angkin
Tadhana rin marahil ang mahalin ka
Sa kabila ng pader na nakaharang,sinta
Tadhana nga siguro kung ating iisipin
Kung paano natin pinuno ang bawat damdamin
Ngunit ang tadhana'y tila mailap nga
Mahilig magbiro,kumitil ,sumira
Pusong umiibig,pinilit mong wasakin
Hindi na mabubuo ,pilitin mang pagtagpiin
Tadhana nga siguro ang siyang sa aki'y nagdikta
Na pag ibig ipaglaban,huwag agad pakawalan ka
Ngunit tadhana rin ang sayo'y pilit umaangkin
Gumawa ng mga bawal na maghihiwalay sa akin
Kung tadhana ngang kita ay makilala
O sa tadha'y di ko paniniwalaan pa
Dahil kung tadhana man ang naghatid sayo sa akin
Tadhana rin siguro ang nagsabing akoy iyong lisanin.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento