naalala ko pa yung dating saya na aking naramdaman
pero ngayon tila naglaho na t' parang gustong balikan
mga alala na binuo natin dati na tayo lang
madaming nabuo kasi nga magkasama tayo ng matagal
sa tagal ng panahon na tayo'y sa isat isa
akala ko kasi dati'y di ako uubra
pero nagkamali ako kasi naging tayo di ba?
pero nagyon,pag-iibigan natin nawasak
pagkawala mo sa buhay ko di ko lubusang matanggap
sana hinayaan ng panahon na magmahalan tayo ng tapat
kaso sobrang damot nito kaya pilit tayong binagsak
kung maibabalik ko nga lang ang oras at panahon
parang gusto kong maulit ang tamis ng kahapon
sana nga lang kaya kong ibalik ang panahon
huli ng nga ba ang lahat para sa atin dalawa
gusto kong ibalik ang oras pero di ko talaga kaya
kung may time machine lang ako matagal ko ng ginawa
kung may makakaimbento nito sana ako na
pakiusap hiling ko sanang tuparin
nagmamahal lamang ako kaya ako'y umnawain
mahal ko siya alam kong ako'y mahal nya rin
kaya sana bumalik ang oras at muli kaming pagtagpuin
bumalik sana ang oras para muli kang makatabi
sana ang oras kusa tayong balikan.
forevermore=)

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento