Ilang ulit ko nang tinanong ang sarili ko
Kung tuluyan na bang nakalimot ang puso ko
Hindi na raw kita mahal pinipilit kong paniwalaan ito
Pero bakit hanggang ngayon,ikaw pa rin ang nasa isip ko?
Sa kabila ng mga kasalanang iyong ginawa
Na pilit kong inintindi at inunawa,
Sa kabila ng pagkukulang ng aking napala
Bakit sa huli ako parin ang nagmukang kawawa
Marupok ako pagdating sayo
Ikaw ang kalakasan ko at kahinaan ko
Isang sorry mo lang,bumibigay na ko
Kahit alam ko sa bandang huli hindi ka magbabago
Marahil ay mahal pa siguro kita
Hanggang ngayon,aaminin ko ikaw parin talaga
Alam kong mali dahil may iba kana
Pero maaari ko lang sabihing mahal pa rin kita

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento